DEDEPENSAHAN nina men’s titlist John Bryan Otico at women’s winner Marian Jade Capadocia ang kani-kanilang titulo sa pagpalo ng Philippine Columbian Association (PCA) Open sa Nobyembre 16 sa PCA courts sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

Inaasahang magbibigay ng hamon kay Otico ang mga beteranong sina Alberto (AJ) Lim Jr. (2016 champion), Patrick John (PJ) Tierro at eight-time PCA Open champion Johnny Arcilla.

Itinuturin ding dark horse sina Davis Cupper Jeson Patrombon, Nino Alcantara at Jurence Mendoza.

Sa women's side, mapapalaban si Capadocia kina Clarice Patrimonio, Bambi Zoleta at Akiko De Guzman.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Itinataguyod ng PCA directors and members, ang torneo – itinuturing ‘Wimbledon of the Philippines’ ay sanctioned ng Philippine Tennis Association (PHILTA).

Bukod sa men’s at singles titles, nakataya rin sa torneo ang Men’s Open Doubles, Ladies Open Doubles, gayundin ang Juniors Age Group: 18-under Boys and Girls, 16- under Boys and Girls, 14-under Boys and Girls, 12-under Boys and Girls, 10-under Unisex, Men’s seniors' Doubles open (40 yrs-above, 55yrs-above) at Women’s Seniors Double open (40 yrs-above; 55yrs-above)

Bukas na ang pagpapatala ng lahok. Para sa karagdagang detalye, buksan ang official Facebook page na https://www. facebook.com/PCA-OPEN-2018- 787348301431697/, Twitter (@ PCAOpen) at Instagram (@PCAOpen)