Posibleng ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng inaprubahang taas-pasahe sa jeepney at bus, matapos na umapela ang grupo ng mga commuter laban sa implementasyon nito, na una nang itinakda sa susunod na buwan.

“It is most respectfully prayed that the approved fare increases for jeeps and buses be stopped or withheld for the sake of millions of people of the Philippines,” pahayag ng United Filipinos Consumers and Commuters (UFCC).

Sa mosyon na inihain nina Arlis Acao at RJ Javellana, ng UFCC, iginiit ng grupo na hindi makatarungan para sa mga pasahero na pagbayarin ng mas mataas na pasahe sa mga pampublikong sasakyan, kasabay ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Base sa apela, na may petsang Oktubre 23, iginiit ng grupo na ang inaprubahang pasahe sa mga jeep at bus ay magpapabigat lang sa pasanin ng publiko, na ngayon ay “suffering from general increases of prices” dulot ng inflation rate.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nitong nakaraang linggo, inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 dagdag-pasahe sa jeep, at P1 sa bus, at nakatakdang ipatupad sa Nobyembre.

Sinabi naman ni ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III na umaasa silang madedesisyunan na ang petisyon sa loob ng 15 araw.

-Alexandria Dennise San Juan