MULA sa Davao City, lalarga ang regional series ng Philippine Sports Commission (PSC) Children's Games for churches sa Davao Oriental sa October 25 -27.
Matagumpay na naisakatuparan ang Davao City leg sa St. Mary of the Perpetual Rosary Parish covered court sa Buhangin, Davao City kamakailan.
"Rating is 3.58 which is excellent. There were 290 kids ages six to 14 years old. There were 34 Ate and Kuya volunteers from four churches," pahayag ni PSC national consultant on grassroots sports Doctor Serge Opeña matapos ang Davao City leg.
Aniya, walang pagsidlan ang kasiyahan ng mga batang nakilahok sa programa.
"Older children, however, wanted ball games," sambit ni Opeña, patungkol sa paglalagay ng ball game sa mga susunod na leg.
Kabilang sa mga lumahok ang mga kabataan mula sa host St. Mary of the Perpetual Rosary Parish, St. Francsis of Assisi Parish sa La Verna Subdivision, Buhangin, San Lorenzo Ruiz Parish sa Talomo at International Churches of Christ (ICOC)-Davao.
Ang batang kalahok ay hinati sa grupo na may 10 miyembro na pinamumunuan ng isang Ate o Kuya – mga boluntaryo na sumailalim sa leadership and rights of the child seminar nitong October 19.
Naglaro ang mga batang kalahok sa hula hoop relay, t-shirt relay, Maria went to town, ball relay, sack race at tug-of-peace.
Panauhing pandangal si dating Davao City sports editor at ngayo’t PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey.
Samantala, magsasagawa ng Ate and Kuya volunteers training sa Davao Oriental leg sa Oktubre 25 sa Lupon, Davao Oriental, habang ang Children's Games ay nakatakda sa October 26 sa Lupon at sa October 27 sa Mati City.
Sinimulan ang regional series nitong Setyembre 21-22 sa Padada, Davao del Sur kung saan ang may kabuuang 300 ang nakiisa para maging 30 Ate at Kuya volunteers. Kabilang sa mga nilarong sport ang Maria went to town, sack race, kadang-kadang at tug-of-peace.