Ikinalugod ng mga lider ng simbahan ang resulta ng survey na nagpapakitang ang Bible pa rin ang paboritong basahin ng mga Pilipino.

Sinabi nina Bishops Arturo Bastes ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at Noel Pantoja ng Philippine Council of Evangelical Churches, na ipinapakita nito na ang mga Pilipino ay may takot pa rin sa Diyos.

“It is good news! The survey shows that the Filipino is a God-fearing nation,” ani Pantoja, chairman ng Philippine Bible Society, sa isang panayam.

Ikinalugod din ni Sorsogon Bishop Bastes ang balita dahil nangangahulugan ito na sulit ang mga pagsisikap ng mga nagsusulong ng mga salita ng Diyos.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“This means that the collective efforts of all persons engaged in the biblical ministry have borne fruits,” sinabi ng dating pinuno ng CBCP Episcopal Commission for the Biblical Apostolate.

Sa resulta ng 2017 Readership Survey na kinomisyon ng National Book Development Board, pinakapopular pa rin ang Bible sa mga Pilipino sa 72.25%, sinusundan ng picture books at storybooks for children na may 53%.

Sa 2012 Readership Survey, nanguna rin ang Bible sa listahan ng most read book genre na may 58%, sinusundan ng Romance at Cooking sa 25% at 21%, ayon sa pagkakasunod.

-Leslie Ann G. Aquino