Anim na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Occidental Mindoro, kamakailan.

Kabilang sa mga ito ang apat na kaanib ng Milisyang Bayan (MB) at dalawa mula sa Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) ng NPA Communist terrorist group.

Sumuko ang mga ito sa 4th Infantry Battalion (4IB) ng Philippine Army (PA) at sa pulisya ng Occidental Mindoro nitong nakaraang Martes.

Ipinahayag ni Lt. Col. Dennis Guttierez, Commanding Officer ng 4th IB, ang anim ay inatasang lumikida sa tropa ng pamahalaan bilang bahagi ng Arouse Organize Mobilize (AOM) tactics ng kilusan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tumanggi na ang militar na ibunyag ang pagkakakilanlan ng mga ito para na rin sa kanilang seguridad.

Gayunman, inamin ng mga ito na pagod na sila sa mga pangako at panlilinlang ng kilusan na magtatagumpay sila sa kanilang ipinaglalaban sa gobyerno.

“The NPA’s propaganda is frustrating. We’re convinced by the government programs by seeing our comrades who surrendered before us, living peacefully with their families, something that we have never felt when we are under the NPA organization”, ayon sa isa sa mga sumukong rebelde.

-Francis T. Wakefield