ON-GOING ang shooting ng indie film na When Sadness Lingers nina Sylvia Sanchez at Nonie Buencamino sa Cebu kaya hindi pa namin nakakausap ang aktres para hingan ng reaksiyon sa pagkakapanalo ng teleserye niyang The Greatest Love bilang Best Drama Series sa Asian Academy Awards (AAA) sa Pilipinas.

Nanalo rin para sa kani-kanilang bansa ang A Place to Call Home (Foxtel) ng Australia, Burning Ice (IQIYI) ng China, My Very Short Marriage (HK Television Entertainment Co. Ltd) ng Hong Kong, Sacred Games Season 1 (Phantom Films) ng India, The Publicist (Vlu Indonesia) ng Indonesia, Miss Sherlock (Hulu Japan) ng Japan, The Emperor: Owner of the Mask (Munhwa Broadcasting Corporation) ng South Korea, Do(S)A (Astro) ng Malaysia, The Teenage Psychic (HBO) ng Singapore, at Wake Up Season 2 (Taiwan Public Television Service Foundation) ng Chinese Taipei.

Sa Disyembre pa ang awards night ng AAA bilang parte ng Singapore Media Festival, to be hosted by Infocomm Media Development Authority (IMDA).

Nasa 49 lahat ang kategorya ng AAA, kabilang ang Best Theme Song, Best Video Game, Best Actor in a Leading Role, at Best Actress in a Leading Role.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang mananalo ay pipiliin ng mga huradong napili ng AAA at appointed according to the entry form.

Ang chairman ng AAA skills development programme ay si Ms Christine Fellowes, na siya ring managing director of networks ng Asia Pacific broadcast company, NBC Universal International Television. Si Ricky Ow naman ang president of broadcaster Turner Asia Pacific, na siya rin ang inaugural chairman of awards.

Going back to Sylvia, puro pagbati naman sa kanya ang mga nababasa namin sa Facebook page niya, kung saan naka-tag ang video ng The Greatest Love bilang isa sa Best Drama Series National winners.

-Reggee Bonoan