LIPA CITY, Batangas-Isang pugante na may kasong kriminal ang nadakip ng mga awtoridad sa Lipa City, Batangas, kahapon ng umaga.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), naaresto si Edilberto Pasia sa Barangay San Jose, dakong 5:00 ng umaga.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Region 4A at Lipa City Police.

Sa rekord ng pulisya, nahatulan ng korte na makulong si Pasia

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

sa kasong homicide ngunit nakatakas umano ito mula sa custodial facility ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Baguio City, noong Disyembre 30, 2010.

-Lyka Manalo