WHAT does the Star For All Seasons Vilma Santos and Megastar Sharon Cuneta have in common? Pareho na silang inip na inip nang magkaroon ng apo.

KC at Jessy

Pawang wala na nga kasi sa kalendaryo ang kanilang mga panganay, at pareho namang in-love na in-love ngayon.

Love is lovelier the second time around para kay KC Concepcion at sa kanyang Frenchman boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart. Isang bagay ang nais mangyari ni KC when she walks down the aisle, ang ihatid siya ng kanyang biological father na si Gabby Concepcion at ng step dad niyang si Senator Francis Pangilinan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung kailan ito matutupad, tanging si KC lang ang nakakaalam.

Samantala, parang sirang plaka na ang paulit-ulit na pagtatanong kay Luis Manzano kung kailan siya magpo-propose sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola. Marami ang nag-akalang magaganap na ang proposal ng binata ni Edu Manzano nang huling mag-birthday si Luis, pero walang proposal na nangyari.

But there is that assurance na mahal na mahal niya si Jessy, kaya lang laging inililihis ni Luis ang sagot niya kapag kasalan na ang usapan.

-REMY UMEREZ