Hindi magtatagumpay ang “Red October”, ang isinusulong na planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command (AFP-East­MinCom) Chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal, kahapon.

Naniniwala si Madrigal na ang pagkilos ng mga komunista sa Mindanao, lalo na sa Davao, ay bahagi lamang ng pagtatangkang mapaalis sa kapangyarihan ang pangulo, na aniya’y malapit na nilang mabigo.

Matagal na aniya ang layunin ng Communist Party of the Phil­ippines-New People’s Army (CPP-NPA) Terrorist Group (CNTG) na pabagsakin ang democratic govern­ment upang palitan ito ng isang authoritarian socialist form.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“It aims to foment continuing unrest by way of agitation among the urban poor and rural peasant com­munities,” ayon kay Madrigal.

Nakita aniya nito ang scenario katulad ng sa Davao at CARAGA Regions kung saan ibinabandera umano ng CNTG sa pamamagitan ng kanilang front organizations ang kanilang special lumad/IP cam­paign narratives na kinabibilan­gan ng “Bakwit Lumad”, Attack on IP schools, at “Lakbay Lumad” (Lakbay Europe, Lakbayan o Ma­nilakbayan).

Aniya, ginagamit ng mga komunista ang nasabing mga paglalahad upang makuha ang simpatiya ng masa para sa tuluy­ang pagpapatalsik sa pangulo.

“This will be backed up by hyping the issue of alleged ex­trajudicial killings, attack on lumad communities, and human rights violations. These pieces of information reveal that the mobilization will be in line with the red letter dates, which include September 21, 2018, during the commemoration of Martial Law Declaration and the Peasant Week on the 3rd week of October,” dagdag pa ni Madrigal.

-FRANCIS T. WAKEFIELD