UMARANGKADA ang horror comedy film sa North American box office nitong nakaraang linggo, pagtataya ng industry tracker nitong Linggo.

Tumabo ang Universal’s family film na The House with a Clock in Its Walls, na tungkol sa isang orasan na nagbibilang ng oras bago sumapit ang “doomsday”, ng $26.9 million nitong nakaraang linggo, pahayag ng industry tracker na Exhibitor Relations.

Bumida sa pelikula sina Jack Black at Cate Blanchett kasama ang batang si Owen Vaccaro bilang si Lewis Barnavelt, isang orphan na ipinadala at pinatira sa kanyang warlock uncle.

Sa ikalawang linggo nito, ay umarangkada naman sa pangalawang puwesto ang A Simple Favor. Ito ay pelikula ng Lionsgate na tungkol sa isang mommy blogger (Anna Kendrick) na iniimbestigahan ang pagkawala ng kanyang kaibigan (Blake Lively) ay kumita ng $10.4 million.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pumangatlo sa listahan ang The Nun ng Warner Bros. na kumita ng $10.3 million.

Ang pinakabagong fright fest sa popular na Conjuring series ay pinagbibidahan nina Taissa Farmiga — na kapatid ni Vera na siya nang tampok sa dalawang Conjuring film — at ito ay tungkol sa istorya ng isang batang madre, isang exorcist at isang guide na makakadisubre ng deep dark secret sa Dracula country noong 1950s.

Makaraang manguna sa box office nitong mga nakaraang linggo ay lumagpak naman sa ikaapat na puwesto ang sci-fi action movie na The Predator, sa kita nitong $8.7 million.

Pasok naman ang glitzy rom-com na Crazy Rich Asians, sa ikalimang puwesto sa tabo nitong $6.5 million.

Ang pelikula, na halos lahat ay Asian ang cast at pinagbibidahan nina Henry Golding at Constance Wu, ay kumita sa North America ng $159.4 million sa ikaanim na linggo ng pagpapalabas nito.

Pasok din sa top 10 ang White Boy Rick ($5.0 million), Peppermint ($3.7 million), Fahrenheit 11/9 ($3.1 million), The Meg ($2.4 million), at Searching ($2.2 million).

-Agence France-Presse