Nanawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) OIC-Secretary Eduardo M. Año sa mga opisyal ng barangay na gamitin ang social media upang himukin ang kani-kanilang nasasakupan na makiisa sa Barangay Assembly sa 42,044 na barangay sa bansa, sa Oktubre 14, 2018.

Aniya, maaaring gamitin ang Facebook at Twitter upang ipaalam at ipaalala sa mga residente ang tungkol sa naturang aktibidad.

Pinayuhan din ni Año ang publiko na dumalo sa Barangay Assembly bilang kanilang “right and responsibility”.

Nilinaw ng kalihim na ang pagdaraos ng Barangay Assembly ay alinsunod sa Local Government Code (RA 7160) at dapat na isagawa dalawang beses kada taon bilang “semestral report” sa mga naging aktibidad, gastusin, at suliranin ng barangay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagbabala rin si Año na ang kabiguan na magsagawa ng Barangay Assembly ay maaaring magresulta sa kasong administratibo, na puwedeng ihain ng concerned citizen o ng governmental o non-governmental entity sa Sangguniang Panlungsod o Sangguniang Bayan o sa Office of the Ombudsan.

-Jun Fabon