ATLANTA (AP) — Marami ang umaasa sa muling pamamayagpag ni Tiger Woods.

Sa kanyang pagbabalik aksiyon ngayong taon, posibleng maganap ang minimithi ng tagahanga. Balik ang ‘Tiger-mania’?

Hataw ang 40-anyos at 14-time major champion sa naiskor na 5-under 65 para makuha ang tatlong stroke na bentahe nitong Sabado (Linggo sa Manila) tungo sa final round ng Tour Championship.

“I got off to an ideal start,” pahayag ni Woods. “And the next thing you know, I was off and running.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa likuran niya sina Rory McIlroy at Justin Rose para sa inaasahang ‘dramatic finish’ sa torneo.

Ito ang unang pagkakataon na tangan ni Woods ang bentahe matapos ang 54-hole mula nang makamit ang huling panalo noong 2013 sa Bridgestone Invitational. Sa kanyang career, hindi pa natatalo si Wood na hawak ang bentahe sa final round.

Lalaro si Woods sa unang pagkakataon mula nang magbalik aksyon matapos ang dalawang taong pamamahinga sa final group tangan ang 12-under 198.

“It’s obviously exciting for the golf tournament. It’s exciting for golf in general that he’s up there,” sambit ni McIlroy.