Binalaan kahapon ng Philippine Overseas Employment scam Administration (POEA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa pagharap sa mga nag-aalok ng “high-yielding” investments na hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Sa pahayag ng POEA, isang grupo ng mga OFW sa Dammam at Al Hassa, sa silangang lalawigan ng Saudi Arabia, ang napaulat na hinikayat ng Sangguniang Masang Pilipino International Incorporated (SMPII), isang non-profit na organisasyon na nakabase sa Pilipinas, na mamuhunan sa ALMASAI Finance and Investment (ngayon ay ALMASAI Equity Holding Corporation).

Sinabi ng mga OFW na kinakailangang maglagay sila ng paunang puhunan na P50,000 na may garantisadong interes na 5% bawat buwan.

Nagbigay umano ang ALMASAI ng 13 post-dated checks para sa buwanang kita ng pamumuhunan, at ang ika-13 na tseke ay bayad ng capital investment.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang ALMASAI, na may opisina sa Murphy, Cubao, ay iniulat na pag-aari ng isang Elpidio Reyes Tanaliga Jr.

Gayunman, makaraang umabot sa P100 milyon ang investment ay nagrereklamo na ngayon ang mga OFW na hindi na sila tumatanggap ng anuman sa mga ipinangakong interes, at wala na ring contact kay Tanaliga, na pawang talbog din ang mga tseke.

Ayon sa SEC, hindi rehistrado ang nasabing kumpanya.

-Mina Navarro