Umani ng batikos mula kay Senador Nancy Binay ang bagong kontrobersiyal na video ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at ng blogger na si Drew Olivar, kung saan pinagkatuwaan ng mga ito ang sign language.

Ang nasabing video nina Uson at Olivar ay naging viral ilang araw matapos na aprubahan ng Senado ang Filipino Sign Language Act.

“Bilang author at co-sponsor ng Filipino Sign Language Bill, na naglalayong kilalanin at suportahan ang pagpapatupad ng sign language sa lahat ng transaksyon at sa edukasyon ng deaf community na kakapasa lang ng Senado, nababahala ako sa epekto ng ganitong pangungutya at panghamak,” sabi ni Binay.

“Such discriminatory actions set back our efforts to make our society more inclusive by providing a more conducive environment for deaf Filipinos to exercise their right to expression without prejudice. I wish to remind Asec. Mocha that as a public official, it is paramount that she refrain from mocking the people she serves,” sabi pa ni Binay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinegundahan naman ni Senador Bam Aquino ang sinabi ni Binay: “We hope to build a society where every Filipino is valued and respected. Let’s support and empower the Filipino deaf community.”

Humingi na ng paumanhin si Olivar sa nangyari.

Ang bagong viral video ay lumabas ilang buwan makaraang umani rin ng pagtuligsa ang “pepedederalismo” video nina Uson at Olivar upang isulong ang pederalismo sa bansa.

-Leonel M. Abasola