HINDI namin nakausap si Sunshine Cruz nang mag-press visit kami sa taping ng morning series ng GMA-7 na Kapag Nahati ang Puso, dahil sunud-sunod ang mga eksena nila ni Bing Loyzaga.

Sayang, dahil ang dami pa namang puwedeng itanong sa aktres, both personal at tungkol sa showbiz career niya.

Siguro naman, magsasalita si Sunshine sa latest issue sa kanila ng ex-husband niyang si Cesar Montano dahil mismong siya ang nag-open nun sa social media. Ang ending, ang kani-kanyang kapatid na ang nagsasagutan sa socmed.

Maganda rin kung si Sunshine ang magkukuwento sa mangyayari sa role niyang si Rio sa Kapag Nahati ang Puso. Kung okay ba sa kanyang makarelasyon ang mas bata sa kanya na nangyayari sa karakter niya, na ma-i-involve sa karakter ni Benjamin Alves, na boyfriend ng anak niya sa serye na si Bea Binene?

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa pelikulang My Stepmother’s Lover, si Kiko Estrada naman ang kapareha niya, na mas bata kay Benjamin. Ang sabi, may mga sexy scenes si Sunshine kay Kiko sa pelikulang kasama rin si Martin del Rosario.

Humabol pa ang balitang kinontra ni Sunshine ang nasulat ni Dolly Ann Carvajal, friend columnist ni Cesar na nagsabing generous ang aktor sa mga anak ng mga kaibigan nito, “what more to his children?”

Sagot ni Sunshine kay Dolly Ann: “Generous? LOL! Baka sa mga anak niyang mga bago? Inaanak mo nga ang isa sa kanila, right? Sama ka sa korte next week para malaman mo ang totoo. Walang magrereklamo kung totoo ‘yang sinasabi mo, Ms. Dolly Ann Carvajal. Again, this is not about me or for me but for the children.”

Ang latest sa aktres, itinanggi na niya ang inakala ng netizens na engaged siya sa nobyong si Macky Mathay, makaraang mag-post ang huli ng photo nila sa Instagram habang magkayakap, at kita ang suot na singsing ng aktres na parang engagement ring. Almost two years na ang relasyon ng dalawa.