LAS VEGAS — Isusulong ng Philippine Basketball Association ang pagbibigay ng Leo Awards simula sa ika-44 season ng liga sa Enero 13.

Ang Leo Awards, ipinangalanan bilang pagkilala kay founding PBA Commissioner Leo Prieto, ang papalit sa taunang Annual Awards kung saan kinikilala ang husay at galing ng mga natatanging player para sa Most Valuable Player awards at Mythical Selections.

Kumakatok sa kasaysayan si San Miguel Beer center June Mar Fajardo na magtatangka na makamit ang ikalimang MVP awards at lagpasan ang marka ng idolo at basketball icons na sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio.

Dahil sa iniindang injury sa paa, nalagay sa reserved list si Fajardo sa Philippine Gilas team na sasabak sa FIBA Asia qualifier window.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Itinakda naman ang All-Star Week sa Marso 1-3. Napagkasunduan din ng PBA Board ang pagsasagawa nito sa isang venue na lamang. Ang pinagpipilian ay Calasiao sa Pangasinan, Laoag City sa Ilocos Norte at Sta. Rosa sa Laguna.

Ang quarterfinal playoffs ay aabot sa April 2-6 kasunod ang semifinal series sa April 8-27, habang ang best-of-7 finals ay sa Mayo 1-15 para sa first conference.

Sisimulan ang second conference – Commissioner’s Cup – sa Mayo 24.

Nakatakda ang quarterfinal sa Hulyo 24 hanggang Agosto 1 at tampok ang semifinals sa Agosto 3-12 at ang championship series ay sa Agosto 14- 28.

-TITO TALAO