HINDI muna mapapanood sa Inday Will Always Love You si Juancho Trivino, at ipinasok si Ruru Madrid bilang bagong ka-love triangle nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Ruru copy

Sa story, pinalabas na mag-a-abroad si Ernest, ang karakter ni Juancho sa rom-com series ng GMA-7.

Pero walang dapat ikabahala ang fans ni Juancho, dahil babalik din siya sa IWALY bago magtapos ang series sa October. Gusto raw ng production ang isang tigasing makakaribal ni Patrick (Derrick) kay Happy Lou (Barbie) at si Ruru ang napili.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa napanood namin, bagay kay Ruru ang role ng mayabang na habal-habal driver, at dahil maganda rin ang katawan at may abs, masasabayan nito sa paghuhubad si Derrick.

Speaking of Ruru, hindi siya nabanggit ni Thia Tomalla sa mga Kapuso aktor na gustong makatrabaho ng huli. Sina Dingdong Dantes at Alden Richards ang binanggit ni Thia, dinedma si Ruru na na-link kay Thia, at kung tama ang tsika ay naka-date ni Ruru for sometime.

Pero malay natin at si Thia rin ang ipareha kay Ruru, na ang sabi ay hinahanapan ng bagong ka-love team ng GMA-7. Parang wala nang pag-asang mabuo pa ang love team nila ni Gabbi Garcia.

-Nitz Miralles