NAISALBA ng College of St. Benilde ang matikas na opensa ni Nigerian Prince Eze tungo sa 91-87 panalo kontra Perpetual Help nitong Huwebes sa 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nanguna si Yankie Haruna sa Blazers sa naiskor na 19 na puntos, tampok ang go-ahead basket may 55 segundo sa laro para sa ikapitong panalo sa 10 laro para mapatatag ang kapit sa No. 3 spot sa likod ng nangungunang Lyceum of the Philippines (10-0) at San Beda Lions (9-1).

Naisalpak ni Justin Gutang ang three-pointer sa krusyal na sandali, habang tumipa si Unique Naboa ng apat na sunod na free throw para matuldukan ng CSB ang ratsada ng Perpetual Help.

Nagsalansan ang 6-9 na si Eze career-best 36 puntos kabilang ang three point play mula sa foul ni Haruna para sa 83-82 bentahe may 1.14 ang nalalabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanatiling nasa bentahe ang Altas, sa kabila ng pagkawala ni starting guard Edgar Charcos na nagtamo ng injury sa tuhod sa nakalipas na laro.

Tangan ni Charcos, ang averaged 17 puntos, 4.3 rebounds, 3.9 assists at 1.9 steals kada laro bago nagtamo ng injury.

Samantala, hataw sina Bong Quinto at Larry Muyang para sandigan ang Letran kontra Arellano University, 99-82.

Kinapos lang ng isang rebound si Quinto para maitala ang triple-double sa naiskor na 26 puntos, 12 assists at walong boards, habang kumana si Muyang ng NCAA-best 23 puntos.

Iskor:

(Unang Laro)

CSB (91)- Haruna 19, Pasturan 17, Naboa 14, Gutang 13, Nayve 7, Young 7, Leutcheu 5, Belgica 4, Carlos 3, Velasco 2, Pagulayan 0

UPHSD (87)- Eze 36, Razon 18, Peralta 8, Aurin 7, Cuevas 7, Coronel 6, Tamayo 3, Mangalino 2, Pasia 0

Quarterscores: 17-20; 49-43; 68-62; 91-87

(Ikalawang Laro)

Letran 99- Quinto 26, Muyang 23, Calvo 20, Batiller 11, Fajarito 9, Ambohot 5, Taladua 4, Agbong 1, Celis 0, Mendreza 0 Yu 0, Pambid 0, Banez 0

AU 82- Canete 17, Concepcion 17, Alban 12, Acloriza 12, Villoria 10, dela Cruz 8, Segura 4, Sera Josef 2, Bayla 0, Codinera 0, Ongolo Ongolo 0, Sacramento 0, Santos 0

Quarterscores: 22-17; 44-all; 65-58; 99-82