MAGTATAMBAL ang Hashtag member na si Nikko Natividad at si Alex Medina sa isang kuwento ng pagkabigo na mauuwi sa paghihiganti ngayong Sabado sa Ipaglaban Mo.

Nikko at Alex copy

Maingat ang beautician na si Ernie (Alex) sa pakikipagrelasyon dahil takot siyang magaya sa mga kaibigang bading na laging hinuhuthutan ng pera ng kanilang mga nagiging nobyo. Ngunit magbabago ang lahat ng ito nang makilala niya si Marco (Nikko) matapos siyang ipagtanggol nito sa mga tambay na nambabastos sa kanya.

Maganda ang magiging simula ng kanilang relasyon ngunit dadalas ang paghingi ng pera ni Marco kay Ernie. Tuluyan silang maghihiwalay dahil mahuhuli ni Ernie si Marco na may babae.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi matatanggap ni Marco na bading ang nakipaghiwalay sa kanya kaya gagawa siya ng paraan para makaganti kay Ernie.

Ano ang masamang balak ni Marco kay Ernie? Malampasan kaya ito ni Ernie?

Handog ng Ipaglaban Mo, ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.

Huwag palampasin ang Umasa, sa direksiyon ni Chiqui Lacsamana, ngayong Sabado, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.