MANDAUE CITY – Pinagtibay ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pagtutuwang ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng City Government ng Mandaue Cebu ang pagtatanghal ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup National Finals Mandaue Sports Complex dito.

Lumagda sa nasabing MOA si PSC commissioner Ramon Fernandez nilang kinatawan ni chairman William Ramirez, kasama si PSC commissioner Charles Raymund Maxey habang mismong si Mayor Gabriel Luigi R. Quisumbing ng Mandaue ang siya ring lumagda dito.

Kabuuang 86 na mga batang babae at lalaking boksingero na may edad 15-17, ang nagparehistro na mga una nang nagwagi sa regional finals ng nasabing torneo buhat sa Luzon, Visayas At Mindanao.

Ang kompetisyon na tatagal ng dapat na araw Simula kahapon ay ba balik sa square one kung saan sasabak muli sa elimination round, preliminary round, quarter finals, semis bago makarating sa National Finals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isang simple ngunit makabuluhang opening ceremony ang itananghal bago simulan ang labanan habang sinusulat ang balitang ito.

"We are very happy for the success of this project. And we'd like to congratulate all the participants, the boxers and their coaches and the LGUs for supporting this boxing cup, " pahayag ni Fernandez.