MAINIT ang balitaktakan ngayon sa social media ni Senator Antonio Trillanes lV at ng aktor na si Robin Padilla makaraang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiyang ipinagkaloob sa senador dahil sa naging partisipasyon nito sa Oakwood mutiny noong 2003 at sa Manila Peninsula siege noong 2007.

Robin

Nagtungo si Robin sa Senado nitong Martes upang abangan ang pag-aresto sa senador.

Base sa nilagdaang Proclamation No. 572 ni Pangulong Duterte ay “void ab initio” (void from the beginning) ang amnestiyang ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino III kay Trillanes, dahil hindi umano nito naipasa ang tamang requirements bukod pa sa hindi nito inamin ang pagkakasala sa serye ng kudeta laban kay noon ay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Nag-Facebook live si Robin ng nasa Senado na siya.

“Labas na diyan. Labas na diyan, pare. Huwag kang magtago sa saya ng Senado. Halika, Trillanes! Ang dami sinasabi ni Trillanes, ang daming palusot, nagtago pa sa Senado!” anang aktor, na sinundan ng tawa.

“Kami mga ordinaryong tao, kapag may kaso, wala kaming magawa. Kapag sinabi ng pulis na kailangan namin sumama sa kanila, sumasama kami. Kahit na alam namin na wala kaming kasalanan, kasi ‘yun ang sinasabi ng batas.

“Ang balita ko, diyan ka matutulog sa Senado. Kayo ba ang nagbabayad ng kuryente diyan? Pambihira kayo. Kami ang nagbabayad diyan. Ano ba naman ‘yung mag-submit kayo diyan sa authority?”

As of this writing ay umabot na sa 45,000 shares ang nasabing FB live ni Robin, bukod pa sa 39,000 likes at 54,000 comments, at higit sa lahat, may 1,523,484 views na ito.

Sinagot naman ni Senator Trillanes ang mga patutsada ni Robin kinagabihan ng Martes nang hingan siya ng komento ng media.

“So, papansinin ko siya? Ayan na, binigyan ko siya ng two seconds na atensiyon. Parang bata. It’s too petty, eh. We’re dealing with national problems here, ‘tapos you have immature people like that.”

Isa pang FB live na ipinost ng aktor kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito, four hours ago, kung saan binati niya ang mga kapatid na Muslim, na umabot naman sa 163,000 views at 3.3k shares.

Sa video, kumakain si Robin ng kanin sa harap ng camera, at sinabing pampalakas daw niya ito, na minana pa sa ating mga ninuno.

“Sumagot na po. Ha, ha, ha. Sa wakas, sa matagal na panahon ang ating pong classmate, ang ating schoolmate na si Antonio Trillanes, na isang karangalan, classmate, na sagutin mo ako. Mabuti naman.”

Nabanggit pa ng isa sa cast ng Sana Dalawa ang Puso na wala siyang alaala sa senador noong magkasama sila sa high school, maliban sa kanilang mga maestro.

“Basta ang alam ko lang, maayos lagi ang buhok mo,” sabi ni Robin.

Inamin din ng aktor na kalmado siya kahapon habang isinasagawa ang FB live dahil napagsabihan siya ng mga nakatatanda sa mga pinagsasabi niya nitong Martes at inaming baka na-offend niya ang senador at humingi ng paumanhin at sa pamilya nito.

“Alam mo, Antonio, sa usapin na ito, ikaw ang parang bata, eh. Ikaw ang nakipagtaguan. Ako nagpunta ako ng Senado upang makita ko ang pagsilbi o pag-serve ng batas. Kasi sa batas, no one is above the law. Iyan, pare, ang point natin, eh. Dapat ang lahat ay sumusunod sa batas. ‘Yun ang punto ko kaya ako nagpunta sa Senado para i-practise ko ang aking right kasi karapatan ko ‘yun! Kayo ang parang bata kasi senador kayo at hindi kayo makalabas sa senado. Aba’y pambihira ‘yan! Napakalaking palaisipan ‘yun.

“Ikaw ang parang bata pare. Senador ka, pero hindi ka makalabas, nagtatago ka diyan, kaya naguguluhan ako. Ha, ha, ha. Ay sorry, bawal na pala masyadong tumawa.

“Ikaw ang parang bata pare, marami kang reklamo magku-coup d’etat ka tapos wala pang 24 hours, su-surrender ka na. O ‘di ba parang gawain ng bata ‘yun? Parang umangal ka lang, ginulo mo lang lahat, tapos sorry, ‘yun, eh.”

Marami pang kuwento si Robin tungkol sa nangyaring kudeta sa Oakwood na maraming nasirang gusali.

Ikinumpara pa ni Robin si Senator Trillanes kay General Emilio Aguinaldo na noong nasa korte ay nag-walk out at naghimok ng mga taong sumama sa kanya.

“Naglakad sa kalsada si Heneral Aguinaldo, tinawag niya ang mga tao para sumama at may banda, isang malaking festival ‘yun. Nangyari ‘yun sa Cavite, ginawa mo naman sa Makati.

“Sino ngayon sa atin ang parang bata ro’n? Ako nung ginawa ko ‘yung Bonifacio (pelikula), may camera, pare! May shooting, may istorya, may producer, may direktor!

“Tapos tumakbo ka pa ng (Manila) Peninsula, nagsama ka pa ng tao, pati mga turista ginulo mo. Tapos susurender ka din pala. ‘Yun pare ang gawain ng bata,” pagbabalik tanaw ng aktor.

As of this writing ay wala pa kaming nakitang sagot ni Senator Trillanes kay Robin.

-REGGEE BONOAN