Mga Laro sa Huwebes

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

10:00 n.u. -- UPHSD vs CSB (jrs)

12:00 n.t. -- AU vs Letran (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:00 n.h. -- UPHSD vs CSB (srs)

4:00 n.h. -- AU vs Letran (srs)

SINIMULAN ng Lyceum of the Philippines University ang kampanya sa second round sa inaasahang resulta – dominasyon.

Sinalanta ng Pirates ang San Sebastian Stags, 88-70, nitong Martes upang hilahin ang winning streak sa 10 sa 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Mula sa dikitang laban sa unang tatlong quarters, ratsada ang Pirates at naglatag nang matibay na depensa sa final period na nagresulta sa 23-11 at mapanatili ang malinis na marka para sa solong pangunguna matapos ang 10 laro tampok ang 9-0 sweep sa first round.

Muli, sinandigan ni CJ Perez, ang reigning league MVP, ang Lyceum sa naiskor na 21 puntos, habang kumana ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino ng 17 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“Big win for us because before this game, we reminded ourselves that this team is playing like a Final Four team even though they’re at 10th,” pahayag ni LPU coach Topex Robinson.

Nanguna si Michael Calisaan sa San Sebastian sa natipang 17 puntos, kabilang ang 16 sa loob ng dalawang period kung saan nagawang makadikit ng Stags sa 59-56.

Ngunit, nanindigan ang Pirates at sa pangunguna ni Perez ay nagawang makalayo sa laban.

Patuloy din ang paghulma ng reigning titlist San Beda para sa inaasahang rematch sa nakalipas na finals sa Lyceum nang durugin ang Jose Rizal, 73-45, para makamit ang 9-1 karta at manatiling nasa No.2.

Iskor:

(Unang Laro)

LPU (88) -- Perez 21, Jc. Marcelino 17, Jv. Marcelino 14, Pretta 8, Tansingco 7, Nzeusseu 6, Ayaay 5, Valdez 4, Santos 3, Ibanez 2, Lumbao 1, Cinco 0, Yong 0.

San Sebastian (70) -- Calisaan 17, Bulanadi 13, Ilagan 13, Calma 10, Capobres 7, Are 4, Dela Cruz 2, Desoyo 2, Villapando 2, Arciaga 0, Isidro 0, Sumoda 0, Valdez 0.

Quarterscores: 27-13; 46-36; 65-59; 88-70.

(Ikalawang Laro)

San Beda (73) -- Bolick 14, Cabanag 9, Soberano 8, Tankoua 7, Carino 6, Eugene 6, Mocon 6, Doliguez 5, Cuntapay 4, Oftana 4, Abuda 2, Canlas 2, Presbitero 0, Tongco 0.

Jose Rizal (45) -- Mendoza 13, Dela Virgen 8, Esguerra 5, Aguilar 4, Padua 4, Silvarez 4, Mallari 3, Bordon 2, Dela Rosa 2, Miranda 0, Santos 0.

Quarterscores: 15-4; 32-21; 49-37; 73-45.