SACRAMENTO (AP) — Lumusot nitong Miyerkules ang panukala na gagawin ang California na unang estado na mag-oobliga sa lahat ng public universities na mag-alok ng abortion medication sa campus health centers.
Wala sa 34 University of California o California State University campuses ang kasalukuyang nag-aalok ng abortion services. Inaprubahan ng California Assembly ang hakbang, at ibabalik sa Senate para sa final sign-off.
Pumayag ang private donors na tustusan ang panimulang gastusin kabilang ang ultrasound machines, staff training at paglikha ng 24-hour hotline para sa mga katanungan at emergency referrals. Oobligahin ang mga unibersidad na mag-alok ng serbisyo pagsapit ng 2022.
“Today, California took another historic step towards ensuring that the students who have made the decision to end a pregnancy have the support and resources they need,” sinabi ni Surina Khan, CEO ng The Women’s Foundation of California, sa isang pahayag.
Tinawag ng anti-abortion group na Students for Life ang boto na isang trahedya.
“Schools should be focused on educating the next generation, not ensuring that it’s easy to end the lives of future generations,” saad sa pahayag ng president ng organisasyon na si Kristan Hawkins.