PANGUNGUNAHAN ni Marawi City Professor Henry Daut ang pagdaraos ng Indigenous Peoples Games Forum bukas ng ala 1 ng hapon nagaganapin sa Department of Education (DepEd) – Schools Division Office (SDO) Amongan Hall sa Lagawe Ifugao.

Tatalakayin ni Daut, sa nasabing forum ang paksang “Restoring the Heritage, Reliving the Past, Rekindling the Spirit,” kung saan ay makakasama niya si Tourism Officer na si Roscoe Kalaw at ang Indigenous Peoples Education (IPED) Division Coordinator na si Herminia Hoggang.

Inaasahan ang pagdalo ng kabuuang 60 partisipante sa nasabing forum na binubuo ng mga guro sa Music and Arts, Physical Education at Health.

Humarap naman si Ifugao Schools Division Superintendent Gloria B. Buya-ao, sa isang courtesy call buhat kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey kahapon ng umaga, kung saan aniya na mismong sila ang nag imbita sa mga guro upang makilahok sa nasabing forum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We actually invited Mapeh teachers in various schools to be part of the Forum,” ani Buya-ao.

Ayon naman kay Maxey, umaasa siya na mas marami pang partisipante ang makilahok sa IP Games na unang ginawa sa Tagum City, Davao del Norte at sa Lake Sebu sa Cotabato City.

“We need to spread awareness to key stakeholders in order for the sustainability of the Indigenous Peoples Games project. And our Mapeh teachers are one of the key stakeholders,” ani Maxey.

Kabuuang 400 Indigenous Peoples ang inaasahang lumahok sa kabuuang 15 traditional sports at games.

-Annie Abad