Ang Pilipinas ang pinakamalaking recipient ng U.S. military assistance sa rehiyon na umaabot sa bilyun-bilyong piso, sumusuporta sa AFP modernization sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at inisyatiba, inilahad ng United States Embassy.

Sa isang pahayag kasunod ng pagbisita sa bansa ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall G. Schriver, sinabi ng US Embassy na sa mga nakalipas na taon naghatid ang United States ng milyun-milyong dolyar na halaga ng mga eroplano, barko, armored vehicles, at maliliit na armas sa Pilipinas, at nagsasanay kasama ang mga tropang Pinoy.

Nakasaad dito na mula Enero 1, 2017 hanggang sa kasalukuyan, pinondohan ng U.S. grants ang delivery ng military equipment na nagkakahalaga ng mahigit P5 bilyon ($95 milyon) para sa AFP.

Nitong Huwebes nakipagpulong si Schriver kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at tinalakay nila ang full range bilateral defense at military issues.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Layunin din ng pagbisita na palakasin pa ang US commitment sa Indo-Pacific region at sa Pilipinas, na malapit na kaibigan, kasangga, at kaalyado.

“This was my first visit to the Philippines as Assistant Secretary of Defense, so this was a good opportunity for me to meet with the leadership here,” ani Schriver nang kausapin ang mga mamamahayag sa US Embassy sa Manila. “It’s an honor for us to be considered a friend, partner, and ally of the Philippines.”

Sinabi ni Schriver na kabilang sa mga paksang tinalakay nila ni Lorenzana ang counter-terrorism, regional security sa South China o West Philippine Sea, at ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

GOOD ALLY

Tiniyak ni Schriver na sakaling puwersahang kunin ng China ang PAGASA island sa Pilipinas, magiging mabuting kaalyado ang US.

“We’ll be a good ally, and we’ll help the Philippines respond accordingly and beyond that I wouldn’t get into specifics,” aniya.

Sa isyu ng West Philippine Sea, iginiit ni Schriver na patuloy ang kampanya ng US para sa freedom of navigation. “We’ll fly/sail and operate where international law allows, if queried by any particular party.” aniya

-FRANCIS T. WAKEFIELD