MARAMING nagulat na entertainment press nang maimbita sila para sa isang presscon para kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa Annabel’s Restaurant in Quezon City, kamakailan.

Bakit mga entertainment press? May mga nagbiro pa nga na baka raw gustong mag-artista si Atty. Roque.

At iyon nga ang sabi ni Atty. Roque nang ipakilala sa kanya ang mga entertainment press.

“Ate Lolit (Solis), gawin mo naman akong artista,” sabi niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bago ginawa ang presscon proper, sumalo sa pagkain ng lunch si Atty. Roque dahil gutom na raw siya. Past 1:00 pm na kasi iyon.

“You know, entertainment is very important. So I feel calm in the same way that political media has to inform and to put it in public opinion,” sabi ni Atty. Roque. “Entertainment is there, they are human beings.”

Tinanong si Atty. Roque kung nakakapanood pa siya ng mga teleserye, at umamin siyang paminsan-minsan ay napapanood niya ang FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin.

“Pero pagdating sa news, sa GMA ako nanonood. Paborito kong mag-report si Joseph Morong.

“Nalaman ko ngayon na may teleserye pala si Ate Nora (Aunor) sa GMA, ang Onanay, kaya manonood ako. Paborito ko siya, ang husay niyang umarte,” sabi pa ng abogado.

Natanong din si Atty. Roque tungkol kay Kris Aquino, na in the news ngayon dahil that time ay nasa Hollywood para dumalo sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians, na isa si Kris sa nasa cast.

“Well, si Kris Aquino, I’ve always admired her. I’ve never really said anything bad about her and as far as I know, she has not said anything bad about me.

“I feel for her. She lost her father. I feel for her because her story is the story of many of our fellow men.”

Hindi nalimutang itanong kay Atty. Roque kung paano niya matutulungan ang mga taga-showbiz industry na naagrabyado sa kanilang pagtatrabaho.

“Makikipag-usap ako kay Imelda Papin, the president of the Actor’s Guild kasama ang iba pang opisyales, upang tulungan ang mga manggagawa sa showbiz industry kung paano maaayos ang kanilang seguridad ng kanilang trabaho.”

Hindi rin naman bago si Atty. Roque sa showbiz dahil marami rin siyang friends dito. Ilan sa showbiz friends niya sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Claudine Barretto—na hanggang ngayon daw ay ina-advice pa rin niya.

In fact, ipinapanood pa ni Atty. Roque ang interview sa kanya ni Martin sa Malacañang para sa show nito sa ANC. Fan din daw siya ni Megastar Sharon Cuneta at ni Gabby Concepcion.

Isa rin si Atty. Roque na madalas ma-bash sa social media. He will not allow daw na ma-bash siya kaya blocked niya agad ang bashers sa kanyang mga social media account.

May balak sanang kumandidato si Atty. Roque sa elections next year at supported daw naman siya nina President Rodrigo Duterte at ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pero hindi raw niya alam kung saan siya kukuha ng P150 million na gagastusin sa kampanya.

Atty. Roque belongs to family of teachers, at apo siya ni former Senator Jovito Salonga. Dalawa ang anak nila ng wife niya, sina Harrison, 17; at Bianca, 16 years old.

-Nora V. Calderon