Nalagutan ng hininga ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin ng dalawang armadong lulan sa motorsiklo sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jovie Decena y Tan, 47, ng No. 182 Toyo Compound, Villaruel Street, Barangay 28, Pasay City, na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy na tinutukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa ulat ni Southern Police District (SPD) Director Tomas Apolinario, Jr., naganap ang pamamaril sa Villaruel St., dakong 10:30 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Federico Mandaue, kagawad, katabi niya si Decene at sila ay nakaupo sa outpost nang sumulpot ang dalawang lalaki na kapwa nakatakip ang mukha at sakay sa motorsiklong walang plaka.

Bumunot umano ng baril ang nakaangkas na suspek at walong beses binaril si Decena.

Humarurot ang mga suspek patungo sa direksiyon ng A. Luna Street.

N a g s a s a g a w a n g imbestigasyon sa insidente.

-Bella Gamotea