ISA-ISA, sinasalanta ng Lyceum of the Philippines University ang mga karibal. Pansamantalang nagipit ang Pirates bago ibinalandra ang College of St. Benilde Blazers, 77-65, nitong Martes para patatagin ang kampanya na muling makapagtala ng ‘sweep’ sa first round elimination ng 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

PINATIBAY ni CJ Perez ng Lyceum ang kampanya para sa back-to-back MVP awards sa impresibong laro na nagdala sa Pirates sa 7-0 marka sa NCAA basketball. (RIO DELUVIO)

PINATIBAY ni CJ Perez ng Lyceum ang kampanya para sa back-to-back MVP awards sa impresibong laro na nagdala sa Pirates sa 7-0 marka sa NCAA basketball. (RIO DELUVIO)

Sa nakalipas na season, naitala ng Lyceum ang 18-game sweep sa elimination para awtomatikong makausad sa Finals kung saan natambangan sila ng San Beda Red Lions.

Mula sa 39-43 paghahabol may apat na minuto ang nalalabi sa third quarter, sumagitsit ang opensa ng Pirates, sa pangunguna ni reigning MVP CJ Perez, para sa 13-0 run tungo sa isa pang dominanteng panalo sa ikapitong laro sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“There’s always going to be a challenge. There’s always going to come a time where we have to push ourselves to the limit and do our best and I’m glad my boys didn’t give up on this one,” pahayag ni LPU coach Topex Robinson.

Nanatiling nasa unahan ng MVP race si Perez matapos umiskor ng 22 puntos, 12 rebounds at limang steals, habang kumana si Mike Nzeusseu ng 16 puntos, 13 boards at limang shot blocks.

Nag-ambag sina Jaycee Marcelino at MJ Ayaay ng 14 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nauna rito, naisalba ng San Sebastian ang suspension ni RK Ilagan para pataubin ang Mapua, 94-70, para sa ikatlong panalo sa pitong laro.

Ayon kay Stags coach Egay Macaraya, sinuspinde ng eskwelahan si Ilagan sa kabuuan ng first round habang hindi pa tapos ang imbestigasyon ng NCAA Management Committee hingil sa paglalaro umano nito sa ‘ligang labas’.

Nanguna si Alvin Capobres sa Stags sa naiskor na career-high 21 puntos.

Sa isa pang laro, pinulbos ng Letran Knights ang Arellano U Chiefs, 88-70, para sa ikaapat na sunod na panalo matapos ang opening day loss. Bagsak ang Chief sa 2-2 karta.

Iskor:

(Unang Laro)

San Sebastian (94) – Capobres 21, Bulanadi 14, Desoyo 12, Calma 11, Valdez 9, Calisaan 8, Isidro 7, Dela Cruz 7, Sumoda 4, Arciaga 1, Villapando 0, Are 0, Baytan 0

Mapua (70) – Pelayo 15, Victoria 13, Bunag 8, Bonifacio 7, Jabel 7, Lugo 7, Gamboa 7, Biteng 3, Carandang 3, Aguirre 0, Serrano 0, Garcia 0, Salenga 0, Bautista 0

Quarterscores: 24-16, 41-40, 70-53, 94-70

(Ikalawang Laro)

LPU (77) – Perez 22, Nzeusseu 16, Marcelino JC 14, Ayaay 11, Caduyac 6, Marcelino JV 5, Pretta 3, Tansingco 0, Serrano 0, Ibanez 0, Cinco 0, Santos 0, Valdez 0, Yong 0

CSB (65) – Gutang 13, Dixon 13, Haruna 12, Leutcheu 8, Pasturan 8, Young 7, Carlos 4, Naboa 0, Velasco 0, Domingo 0, Belgica 0

Quarterscores: 20-21, 34-31, 56-51, 77-65

(Ikatlong Laro)

Letran (88) – Muyang 16, Balanza 14, Calvo 13, Quinto 11, Fajarito 11, Batiller 11, Ambohot 8, Mandreza 2, Agbong 2, Balagasay 0, Taladua 0, Yu 0, Celis 0

Arellano U (70) – Canete 23, Alcoriza 13, Dela Cruz 11, Alban 8, Villoria 7, Concepcion 6, Dela Torre 2, Sera Josef 0, Ongolo Ongolo 0, Santos 0, Bayla 0, Sacramento 0, Codinera 0, Segura 0

Quarterscores: 16-17; 37-36; 66-55; 88-70