MASAYA ang producer ng pelikulang Day After Valentine’s ng Viva Films, dahil Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula. Ibig sabihin, mahusay ang pagkakagawa nito, kaya naman may tax exemption.

Reunion movie ito nina Bela Padilla at JC Santos, na kinunan pa sa malaparaisong kapuluan ng Hawaii.

Unang pinagtambal sina JC at Bela sa 100 Tula Para kay Estela na nanalo ng Audience Choice Award last year sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Ang screen chemistry nina JC at Bela ang nag-udyok para kunin muli sila ni Direk Jason Paul Laxamana for a second team-up. Dagdag na rin ang paging propesyunal ng dalawa. In short, magaan silang katrabaho at hindi sakit ng ulo para sa direktor. Lagi silang handa pagdating sa set at memoryado na ang kani-kanilang linya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Karakter ng isang simpleng babae na mahilig sa “broken things” si Bela, habang si JC ay isang taong hirap na makapag-move-on sa buhay. Pinagtagpo sila ng tadhana on Valentine’s Day, at sa loob ng isang gabi ay kinilala ang isa’t isa at binigyang solusyon ang kanilang mga problema.

Ang Day After Valentine’s ay official entry sa 2018 PPP na magsisimula sa Agosto 15.

-REMY UMEREZ