VERY proud mama si Sharon Cuneta dahil front act ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan sa concert ng British band na Workshy.

Frankie copy

In fact, twice nang ipinost ni Sharon ang poster ng concert sa kanyang Instagram (IG) account.

“My baby girl Frankie is doing Front Act for the very first time for British band WORKSHY (a favorite of mine since the ‘90s!!!)! Catch them on August 10 at 8pm at the Theater at Solaire! Please share! Thanks so much!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pinayagan na ni Sharon si Frankie na mag-showbiz, pero hanggang singing lang siguro. Pero malay din natin at mapanood na lang natin sa TV o sa pelikula si Frankie, gaya ng Ate KC Concepcion niya.

Speaking of Sharon, wala pang update kung kailan nila sisimulan ni Richard Gomez ang reunion movie nila sa Star Cinema. Marami na ang naghihintay na after Robin Padilla, si Richard naman ang muling makakatambal ni Sharon sa pelikula.

Nagpahatid din ng mensahe si Christopher de Leon na anytime ay ready siya for a project with Sharon. Kaya maghintay na lang tayo sa mga susunod na mangyayari.

-Nitz Miralles