MAY make-up man o wala, ang ganda-ganda pa rin ni Arra San Agustin, sa katunayan mas maganda at fresh siyang tingnan kapag walang make-up.

Arra copy

Nakita namin si Arra sa storycon ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na My Special Tatay, ang second project nila together ni Ken Chan.

“Happy ako to be working again with Ken, dahil maganda ang working experience namin sa The Cure. Kung doon, mag-asawa ang role namin, dito sa My Special Tatay, childhood friends kami kahit mentally-challenged siya. Bilang si Carol, lagi akong nakasuporta kay Boyet (Ken),” kuwento ni Arra.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Gandang-ganda rin si Ken kay Arra, at medyo na-disappoint ang binata nang malamang may boyfriend na ang aktres. Pero hindi pa naman sila kasal, malay natin!

Saka, magiging madalas uli ang pagkikita nila sa taping, na magsisimula na bukas, sa direksiyon ni LA Madridejos.

Unang na-link si Arra kay Ruru Madrid nang magkasama sila sa Encantadia. Ang alam namin, boto ang parents ng aktor kay Arra. Niregaluhan pa raw si Arra ng shoes ng mom ni Ruru. Pero sabi ni Arra, friends lang sila ni Ruru.

“Sa career ko muna ang focus ko, sayang kung pababayaan ko, lalo na at kasama ako sa My Special Tatay. Nasa Bubble Gang pa rin ako at may digital show ako sa GMA Online,” sabi ni Arra.

-Nitz Miralles