DENPASAR/JAKARTA (Reuters) – Umabot na sa 91 katao ang namatay sa pagtama ng isang malakas na lindol sa resort islands ng Lombok at Bali sa Indonesia, sinabi ng National Disaster Mitigation Agency (BNPB) kahapon.

SA LABAS TAYO! Inilipat sa labas ng ospital ang mga pasyente nang maramdaman ang lindol sa Denpasar, Bali, Indonesia, nitong Linggo. (EPA-EFE/MADE NAGI)

SA LABAS TAYO! Inilipat sa labas ng ospital ang mga pasyente nang maramdaman ang lindol sa Denpasar, Bali, Indonesia, nitong Linggo. (EPA-EFE/MADE NAGI)

Karamihan sa mga biktima ay nasa hilagang parte ng Lombok, malapit sa epicenter ng 6.9 magnitude na lindol na tumama nitong Linggo ng gabi at may lalim na 10 kilometro.

Napakalakas ng lindol na naramdaman ito sa katabing isla ng Bali, at dalawa katao ang namatay roon, sinabi ni BNPB spokesman Sutopo Purwo Nugroho.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

May 209 na katao ang nasugatan, at inaasahang tataas pa ang bilang sa pagpasok ng mas maraming datos.

“Data collection continues and (rescue) efforts are still ongoing,” sinabi ni Nugroho sa news conference, idinagdag na walang banyaga na kabilang sa mga nasawi.

Putol ang linya ng kuryente at mga komunikasyon sa ilang lugar sa Lombok, at nagpadala na ang militar ng barko ng medical aid, supplies at logistical support para sa isla.

Sinabi ng Indonesian Agency for Meteorology, Climatology and Geophysics (BMKG) na mahigit 120 aftershocks ang naitala kasunod ng lindol nitong Linggo.

SIGAWAN, TAKBUHAN

Halos 1,000 banyaga at lokal na turista ang inilikas ng mga bangka mula sa tatlong Gili islands sa hilagang kanluran ng Lombok. Mahahaba rin ang pila sa paliparan sa kabiserang bayan ng Lombok, ang Mataram, sa pagputol ng mga banyaga ng kanilang bakasyon.

Sinabi ni Singapore Law and Home Affairs Minister K. Shanmugam, nasa 10th floor ng isang hotel sa Mataram nang tumama ang lindol, na napakalakas ng pagduyan sa kanyang silid at nabitak ang mga pader.

“It was quite impossible to stand up. Hear screams. Came out, and made my way down a staircase, while building was still shaking. Power went out for a while. Lots of cracks, fallen doors,” isinulat niya sa Facebook.