Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- San Miguel vs Ginebra

MAKALAPIT sa asam na ikalawang sunod na titulo ngayong season ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa muli nilang pagtutuos ng challenger Barangay Ginebra ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioners Cup Finals sa Araneta Coliseum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

LUMUTANG sa ere si Mark Caguiao ng Ginebra Kings nang tangkaing ma-saved ang bola sa baseline sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship nitong Miyerkules sa Smart-Araneta Coliseum. Nagwagi ang Beermen para sa 2-1 bentahe. (RIO DELUVIO)

LUMUTANG sa ere si Mark Caguiao ng Ginebra Kings nang tangkaing ma-saved ang bola sa baseline sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship nitong Miyerkules sa Smart-Araneta Coliseum. Nagwagi ang Beermen para sa 2-1 bentahe.
(RIO DELUVIO)

Ganap na 7:00 ng gabi ang Game Four ng best-of-seven series ng Beermen at Kings.

Nakamit ng SMB ang 2-1 bentahe sa serye matapos ang dominanteng 132-94 panalo sa Game 3.

Pinantayan nito ang league record na highest winning margin sa isang Finals game na naunang itinala ng Alaska na nasa ilalim pa noon ni Ginebra coach Tim Cone sa Game Six ng 1998 All Filipino Cup Finals kontra sa San Miguel Beermen sa iskor na 99 -61.

“I have nothing to say other than I’m embarassed by our performance and that they are too good for us,” ang dismayadong pahayag ni Cone.

Nalimitahan sa apat na puntos lamang sa unang dalawang laro ng series, hindi umatras sa hamon si Chris Ross at kahit duguan matapos magtamo ng sugat sa kanyang noo, umiskor ito ng 23 puntos na kinabibilangan ng pitong 3- pointers para pamunuan ang kanilang ikalawang blowout win matapos matambakan noong series opener,99-127.

Gayunman, sa kabila ng nakamit na bentahe ay gustong maniguro ng Beermen na hindi mauuwi sa wala ang kanilang pinaghirapan kung kaya nangako silang paghahandaan pa rin ang Kings.

“Hindi ibig sabihin noon na tinambakan namin sila ng Game Three na kayang-kaya na namin sila sa Game Four. Kailangan pa rin namin silang paghandaan,” pahayag ng 2013 PBA Most Valuable Player na si Arwind Santos. “At kailangan pa rin naming mag stay focus at dagdagan pa yung ginagawa naming tama.”

-Marivic Awitan