Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

4:00 n.h. -- CEU vs Che’Lu Bar and Grill

6:00 n.g -- Marinerong Pilipino-TIP vs Go for Gold

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAPANGATAWAN ang kanilang pagtatapos bilang top two seeds pagkaraan ng eliminations ang tatangkain kapwa ng Chelu Bar and Grill at Go for Gold sa pagsalang ngayong hapon sa kani- kanilang best-of-three semifinals series ng 2018 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Makakasagupa ng top seed Revellers sa unang laban ang 4th seed Centro Escolar University ganap na 4:00 ng hapon habang makakatapat naman ng second seed Scratchers ang third seed Marinerong Pilipino-TIP ganap na 6:00 ng gabi.

Para kay Revellers coach Stevenson Tiu, magandang tune-up para sa koponan ang huling laban sa Go for Gold kung saan nahamon sila ng husto sa pag-aagawan nila sa pangunang puwesto.

“Kailangan namin ng ganitong laro kasi we were push to the limit.Magandang preparation ito for the semis, kasi nakita namin yung aming weakness,” pahayag ni Tiu matapos ang 74-68 na panalo kontra Scratchers nitong Huwebes.

Muling sasandigan ng Revellers ang tambalan nina ex-pro Levi Hernandez at Jeff Viernes para pamunuan ang kanilang kampanya na makausad sa finals.

Para sa Engineers, umaasa si coach Koy Banal na magpapatuloy ang pag-i-step-up sa kanilang laro partikular sa depensa para lumakas ang kanilang tsansa.

Tatangkain din ng Marinero na sakyan ang momentum ng kanilang 81-72, panalo kontra CEU na nagluklok sa kanila sa ikatlong puwesto.

-Marivic Awitan