ISINANTABI ni Jacq Buncio ng Suzuki-Wheeltek Racing Team, sa pakikipagtulungan ng Total Phils., ang anumang nadamang pagod para maiukit ang dominanteng panalo sa tatlong karera sa Round 3 ng Pirelli Cup Superbike Championship kamakailan sa Clark International Speedway.

INUNGUSAN ni Buncio ng Suzuki-Wheeltek Racing Team, na pinalakas ng Total Phils., ang kanyang limang segundong record mula sa kanyang personal lap record noong nakaraang taon, upang taguriang ang pinakamabilis at unang lady rider na bumasag sa 2-minute laptime barrier sa Speedway sa kanyang 1:59.8 record.

INUNGUSAN ni Buncio ng Suzuki-Wheeltek Racing Team, na pinalakas ng Total Phils., ang kanyang limang segundong record mula sa kanyang personal lap record noong nakaraang taon, upang taguriang ang pinakamabilis at unang lady rider na bumasag sa 2-minute laptime barrier sa Speedway sa kanyang 1:59.8 record.

Sa kabila ng katotohanan na dalawang araw lamang ang ginawa niyang paghahanda sa kanyang motor, nalagpasan ni Buncio ng limang Segundo ang naitalang personal lap record sa nakalipas na taon upang tanghaling pinakamabilis at unang babae na rider na bumasag sa 2-minute laptime barrier sa Speedway sa naisumiteng 1:59.8.

Sakay ng Suzuki GSX-R1000R bike, ratsada si Buncio at sa kabila ng matikas na hamon mula sa mga karibal, mistulang kidlat sa bilis ang mayuming rider upang makuha ang panalo sa Pirelli Cup Heavyweight Division A.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala sa Philippine Superbike Rookie class, nanguna siya sa kanyang karera at pumang-apat sa overall ng Superbike Open Class, salikod nang mga beteranong lalaking karibal.

“Every time I do an overtaking at the Acacia turn right after Maico’s Bend (formerly dog leg bend) after the hairpin section, I feel confident because I know, kuya Maico is guiding me,” pahayag ng 17-anyos na si Jacq, patungkol sa kanyang namayapang kapatid at superbikes’ legend Maico.

Ikinasiya ni Dashi Watanabe at ng kanyang Watanabe Racing Development Team, nasa likod nang pag-angat ng career ni Jacq, sa impresibong kampanya ni Buncio.

“We worked with many things in the third round here in Clark International Speedway because this is Jacq’s first time to race a 1000cc bike. But I am confident in Jacq. She improved a lot after the last 2 rounds in BRC and now we just concentrated on some riding style adjustments and bike set up. After that, she surpassed all expectations once again by another victory. Another step closer to the championship crown. Good luck and Godspeed Lady Jacq,” pahayag ni Watanabe.

Suportado rin si Buncio ng Suzuki, Wheeltek, Total Excellium Fuel and Total Hi-Perf Motorcycle Oil, YRS Modifications, SSS Chain, KYT helmet, YSS suspension, Amaron Batteries, SPRS Leather suit, SEC Motosupply, G4 Buko Pandan at Galfer Brake system.

Target niyang mapatatag ang kampanya sa overall championship sa pagharurot ng Round 4 ng serye sa Aug. 4-5 sa Clark International Speedway.

Tulad ni Jacq,sumasabk din ang kanyang ate Des, 2nd overall champion sa Lightweight A category noong 2017 ay lumalaban ngayon sa Heavyweight B category, ang dibisyon ni Jacq sa nakalipas na season, gamit ang 600cc sports bike laban sa mga lalaking karibal na may gamit na 1000cc pataas na motor.

Kasalukuyan siyang nasa ikaapat na puwesto.

”Finished fourth overall. Sasama na sana ang loob ko pero imbes na tanungin ako ng mga tao bakit ako nagkamali, inuna nilang tanungin kung safe ako,” sambit ni Des.

“Sobrang suwerte ko na napapaligiran ako ng mga supportive na tao. Bawi nalang po tayo sa susunod.”