Maaari nang makauwi sa bansa si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, na dinakip sa Taiwan, upang harapin ang kasong may kinalaman sa droga at sa ilegal na pag-iingat ng baril.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), maaaring makauwi si Parojinog sa Pilipinas ngayong araw.Mismong ang PNP ang pumunta sa Taiwan upang sunduin si Parojinog sa Pingtung Detention Center, para imbestigahan sa kasong illegal possession of firearms.

Si Parojinog ang nakababatang kapatid ni Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog, na napatay sa raid sa kanyang bahay, kasama ang mahigit 10 iba pa, noong Hulyo 2017.

-Fer Taboy
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20