Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na lumobo ng 112 porsiyento ang kaso ng murder sa Metro Manila.

Sa tala ng PNP sa buong bansa, tumaas ng 1.50% ang murder cases ngunit kapansin-pansin ang paglobo sa 112% ng mga insidente ng murder sa Metro Manila.

Ayon sa PNP, bumaba ng 21.48% ang crime rate sa buong bansa simula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2018, kumpara sa naitala sa kaparehong panahon simula 2014 hanggang 2016.

Sa datos ng PNP, mula sa 1,325,789 na crimes against persons, tulad ng physical injury, homicide at rape, ay bumaba ito sa 1,050,987, maliban sa murder.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naitala ang 3,444 na kaso ng murder sa Metro Manila simula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2018, kumpara sa 1,621 naitala noong Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2016.

Tumaas din ang murder rate sa Ilocos Region sa 35.48%, 3.20% sa Central Luzon, at 1.4% sa Cordillera.

Ang crimes against property naman, tulad ng robbery, theft, carnapping at cattle rustling, ay bumaba ng 58.50% at naitala lang sa 68,549 na kaso, kumpara sa 165,178 noong Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2016.

Fer Taboy