Magdaraos ng special voter’s registration ngayong Biyernes para sa persons with disabilities (PWDs).

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na isasagawa ang special offsite registration para sa mga may kapansanan sa ilang lugar sa Region 1.

“The Offices of the Election Officer (OEOs) will conduct simultaneous satellite registrations for PWDs from 8:00 am to 5:00 pm, July 20, 2018,” saad sa pahayag ng Comelec.

Isasagawa ang registration sa lahat ng covered court sa mga siyudad at munisipalidad sa Pangasinan, Ilocos Sur, at Ilocos Norte, ayon sa Comelec.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“There will also be a similar special satellite registration activity at Robinson’s Mall, Calasiao, Pangasinan at the same time,” sabi pa ng poll body.

Ayon sa Comelec, ang mga aplikasyon para sa bagong registration, transfer/transfer with reactivation, reactivation, change/correction of entry, at inclusion/reinstatement of records sa voter’s list ay tatanggapin sa nasabing special registration.

Sinimulan nitong Hulyo 2 ang pagpaparehistro ng mga botante para sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019. Tatagal ito hanggang sa Setyembre 29, 2018.

-Leslie Ann G. Aquino