TAIPEI – Naitala ng Team Philippines-Ateneo ang ikalawang sunod na panalo matapos ang magkasunod na kabiguan matapos gapiin ang Indonesia, 89-78, kahapon sa 2018 William Jones Cup.

Nadomina ng Nationals ang tempo ng laro mula simula hanggang sa final buzzer para makopo ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa torneo na ginanap sa Xinzhuang Gymnasium.

Nitong Miyerkules, nabitiwan ng Team Philippines-Ateneo de Manila University ang tangan na 14 puntos na bentahe, ngunit matikas na nakabawi sa krusyal na sandali para maitarak ang 80-74 panalo.

Umabante ang Blue Eages sa 48-34 sa third period, subalit natapyas ito ng Japanese sa 63-62 mula sa 29-14 run sa final period.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, nagawang makaganti ng Nationals sa 8-1 run, sa pangunguna ni Thirdy Ravena para muling mailayo ang iskor sa 70-63 sa huling dalawang minuto ng laro