Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.h. -- Ginebra vs Rain or Shine

MATAPOS maudlot ang paghahanda nitong Lunes ng gabi dahil sa bagyong Henry, itutuloy ng crowd favorite Barangay Ginebra ang naumpisahang upset sa muli nilang paghaharap ng top seed Rain or Shine ngayon sa Game Two ng kanilang best-of-five semifinals series sa 2018 PBA Commissioners Cup.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakatakda ang laro sa 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Tatangkain ng tropa ni coach Tim Cone na makopo ang 2-0 bentahe sa serye kasunod ng kanilang ginawang pagdurog sa Rain or Shine noong Linggo ng gabi sa iskor na 102-89 upang makalapit sa inaasam na finals berth.

Malinaw sa magandang laro mula sa import nilang si Justin Brownlee, binigyan pa ang Kings ng dagdag sa opensa mula kay Jeff Chan.

“Jeff is really a great weapon when he has great players around him,” wika ni Cone patungkol kay Chan na umiskor ng 21 puntos at 4 na rebounds.“When there are players who can create openings from him, he’s really dynamic and he showed that tonight.”

“We were also able to make big plays at the right time and so far so good. I hope we can continue to do it,” aniya.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang pasabi kung makakalaro na sa Kings si Japeth Aguilar na may iniindang pananakit sa kanyang Achilles tendon kaya wala ito noong Game One.

Samantala, nangako namang babawi ang Elasto Painters upang itabla ang serye.

“Kaya nga series, may chance pang makapag adjust.Babawi na lang kami next game,” pahayag naman ni ROS ace gunner James Yap.

-Marivic Awitan