Sa rehas ang bagsak ng No. 7 most wanted sa Malabon City, matapos maaresto sa operasyon sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Rufino Raymundo, 43, ng Block 48 Lot 3 Phase 2 Area 2, Barangay Longos ng naturang lungsod.

Sa record ng pulisya, may nakabimbin na kasong robbery with violence intimidation of person at estafa ang suspek sa Malabon City Regional Trial Court.

Base sa report, ikinasa ng Warrant of Subpoena Section (WSS) ang operasyon matapos iparating sa mga pulis na mamataan si Raymundo sa kanyang bahay, dakong 1:59 ng madaling araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi na nakapalag s i Raymundo nang makita nito ang warrant of arrest.

-Orly L. Barcala