APAT na taon na ang nakararaan mula nang ipinagpaliban ng Canadian singer na si Celine Dion ang lahat ng kanyang nakatakdang career commitments – kabilang na ang kanyang Asian tour – para ituon ang oras at panahon sa gamutan ng kanyang asawa, ang yumaong si René Angélil, na na-diagnose ng iba’t ibang sakit.

At kahapon nga ay ginanap na ang Manila concert ng pop singer sa Mall of Asia Arena.

Narito ang ilan sa pinakamalalaking tagumpay na nakamit niya:

Pagdating sa mga awitin, nangunguna at naririnig pa rin ang tanyag na My Heart Will Go On mula sa pelikulang Titanic, Beauty And The Beast kasama si Peabo Bryson para sa naturang Disney animated film, Power Of Love, Because You Loved Me, at It’s All Coming Back To Me Now.Ilang award na rin ang iginawad kay Celine. Natanggap niya ang kanyang unang Grammy award noong 1992 para sa Best Pop Performance By a Duo or Group With Vocal, katuwang si Peabo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Siya rin ang itinanghal na Best-selling Canadian Female Artist of the Year sa World Music Awards, ng Artist of the Year Golden Disc Awards, at ng World Music Award for Best-selling Female Pop Artist.

Noong 2004, napabilang at iniukit ang kanyang pangalan sa “Star on the Walk of Fame” sa Hollywood California.

Ayon sa reports, nakabenta si Celine ng tinatayang 250 milyong albums sa buong mundo.

Siya ang unang Canadian artist na nakasungkit ng Female Singer of the Year sa Felix Award para kantang D’Amour Ou D’Amite, na kumita ng mahigit 700,000 kopya.

Nagwagi naman ang Falling Into You bilang Best Album at Best Pop Album of the year sa parehong taon sa 39th Grammy Awards noong 1996.

Ginawaran din si Celine ng Record of the Year plum sa Grammy Awards noong 1999 para sa kantang My Heart Will Go On.

Ang kanyang French album na D’eux ang sinasabing isa sa all-time best selling French albums.

Manila Bulletin Entertainment