Isang 46-anyos na lalaking palabuy-laboy sa Florida, na putol ang dalawang braso, ang inaresto sa Miami Beach, Florida, matapos umanong saksakin ang isang lalaki gamit ang gunting sa pamamagitan ng kanyang mga paa.

Jonathan Crenshaw

Jonathan Crenshaw

Dalawang beses na sinaksak ni Jonathan Crenshaw ang isang 22-anyos na lalaki bago tumakbo palayo, ayon sa Miami Beach Police Department .

Ilang beses na umanong nakulong si Crenshaw, isang local fixture na kilala sa lugar dahil sa kanyang makukulay sa pinta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iginiit ni Crenshaw na self-depense lamang umano ang kanyang ginawa, na hawak ng Turner Guilford Knight Correctional Center sa Miami.

Dinala naman ang biktima sa ospital dulot ng pagdurugo ng kanang braso.

-Reuters