RIO DE JANEIRO (AFP) – Tumakas at nagtago ang Brazilian celebrity butt-enhancement surgeon na tinatawag na Dr. Bumbum matapos mamatay ang isa niyang pasyente sa cosmetic surgery.

Nakilala si Denis Furtado, 45 anyos, sa pagreretoke sa katawan ng mga babae, partikular ang pagbibigay sa kanila ng magagandang puwet. Ngunit ngayon ay wanted na siya sa pulisya matapos mamatay si Lilian Quezia Calixto ilang oras kasunod ng butt enlargement procedure sa bahay ni Furtado sa Rio de Janeiro.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline