Nagbabala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa posibilidad na mag-walkout ang mga senador kapag i-convene sa State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ang Kongreso bilang constituent assembly (Con-Ass) upang baguhin ang 1987 Constitution.

Hindi, aniya, dapat gawin ang bagay na ito at mas makabubuti rin na huwag na itong balakin, dahil tiyak na magkakaroon lamang ng kaguluhan.

“They might walk out. A lot of the senators might just stand up and walkout. It will be a mess, I don’t think there will be people blatant enough to do that. That’s not the proper forum. That should not even be experimented with because I can tell you now what some of my colleagues might do,” babala ni Zubiri.

Nagpahayag din si Zubiri ng kanyang pagtutol sa pagpapaliban sa mid-term elections sa susunod na taon upang bigyang-daan naman ang Charter change.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Magbubukas sa umaga ng Hulyo 23 ang Kongreso at magsasama ang dalawang kapulungan para sa ikalawang SONA ng Pangulo.

Aniya, hindi maaaring madaliin ang Charter change dahil ito ang pangunahing batas ng bansa at kailangan dito ang masusing pag-aaral.

Tinukoy pa nito ang usapin sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na matagal nang inaral ng Kongreso bago ito naisalang at inaasahan namang mararatipikahan ngayong araw.

“The elections should continue because we have to show stability. Charter change does not have to be rushed. Cha-cha could happen in the next half, within the term of the President still and then we can have the plebiscite in 2022 or we can have the plebiscite even earlier,” sabi pa ng senador.

-Leonel M. Abasola