LIMA (Reuters) – Inaresto ng Peru ang mahigit 50 katao nitong Lunes, karamihan ay Colombian, sa operasyon laban sa drug trafficking sa jungle border province na sinasabing pinagkutaan ng mga dating rebeldeng Marxist FARC.

Sinabi ni Peruvian President Martin Vizcarra na nakipag-ugnayan ang security forces ng kanyang bansa sa militar ng Colombia para isagawa ang operation “Armageddon” nitong Lunes ng umaga.

Nagdeklara si Vizcarra at ilan sa kanyang minister ng state of emergency nitong Linggo para sa lalawigan ng Putumayo malapit sa hangganan sa Colombia at Ecuador. Nagkabisa ito kinabukasan, ayon sa kautusan na inilathala sa official gazette na El Peruano.

“More than 50 people have been arrested, the vast majority Colombian nationals who were involved in illegal drug trafficking,” sinabi ni Vizcarra sa broadcast comments mula sa liblib na rehiyon.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture