BINURA ni Miley Cyrus ang lahat ng kanyang post sa kanyang Instagram kasama ang mga larawan nila ni Liam Hemsworth, at nag-panic ang kanyang fans, ulat ng Yahoo Celebrity.

Miley copy

Nitong Huwebes pa lamang ay napansin na ng fans niya na burado ang ilang larawan sa feed niya. Wala naman paliwanag na ibinigay si Cyrus tungkol sa kanyang ginawa, ngunit naniniwala ang fans na maaaring may kinalaman ito sa bago niyang kanta.

Kahit na hindi pa kinukumpirma ni Cyrus, una nang iniulat ng US Weekly na sinimulan na ng singer ang bago niyang project.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I’m sad actually that she is deleting pics but IM SO RUCKIMG EXCITED FOR THE NEW ERA TO BEGIN,” excited na tweet ng isang user.

Nagpahayag din ng suporta ang isa pang fan sa singer at sinabing, “Looks like @MileyCyrus is deleting some old posts on insta.. While I loved how her Instagram account showed the many phases of her different eras, I’m so excited to see what she has in store for us on social!”

Ang desisyon ng singer na burahin ang lahat ng kanyang larawan sa Instagram ay kagaya ng ginawa ng ilang mang-aawit gaya ni Taylor Swift. Sa nakaraan, nagbura rin ang ibang singers gaya anina Sabrina Carpenter at Zayn Malik ng kanilang post sa Instagram bilang paghahanda sa bagong album.

At dahil nga wala pang komento si Cyrus tungkol sa deletion, marami at tuloy-tuloy pa rin ang pag-usbong ng mga espekulasyon