ANG Bistek @50, Life in Full Color ay pagbabalik-tanaw sa makulay na buhay pulitika at buhay pag-ibig ni incumbent Quezon City Mayor Herbert Bautista.

To quote Manila Mayor Joseph Estrada: “Sa mga pagkakataong nakakausap ko siya (Mayor Herbert) ay kitang-kita ko ang kanyang dedikasyon bilang isang aktor, isang katangian kung bakit mahal at sinusuportahan siya ng taong bayan.”

Parang sineng makulay, palabas na buhay na buhay. The name Herbert Bautista brings many images to mind…as an actor, TV host, and public servant.

His life story covers many decades. There are colorful stories to be told. But it is only a part of the mayor’s journey, because more chapters are still to be written about him.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maraming revelations at walang itinago ang libro. At kung kayo ay masugid na tagasubaybay ng aborted relationship ni Mayor Bistek kay Kris Aquino, just turn to page 64 onwards. Ito ang chapter na devoted sa naging relationship niya with the Queen of All Media.

May dalawa pang babaeng nakarelasyon ni HB, at hindi niya ipinagkaila na may anak siya sa mga ito.

Ang Bistek @ 50 ay hati sa tatlong kabanata: Kulay Buhay, Kulay Showbiz, at Kulay Serbis. Sa makulay na cover na obra ni Edward La Cuesta, may limang iba’t ibang personalidad ni Herbert Bautista ang isinalarawan.

-REMY UMEREZ