Ang kampanya ng pamaha­laan laban sa ilegal na droga, kurapsiyon at ang isinusulong na pederalismo ang maaaring maging tampok sa talumpati ni Pangulong Duterte para sa kanyang nalalapit na State of the Nation Addresss (SONA).

Inaasahang tatalakayin ang mga isyung ito ng Pangulo, kasabay ng kanyang pagbabahagi ng “personal” at “tapat” na talumpati sa darating na Hulyo 23, ayon sa kanyang spoke­man na si Harry Roque.

Sinumulan na ang pag-aayos ng handang talumpati ng Pangulo na planong ilimita sa 35 minuto.

Ayon kay Roque, hihilingin ng Pangulo sa Kongreso na supor­tahan ang panukalang pagbabago ng sistema ng pamahalaan sa pederal sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Konstitusyon kasabay ng kanyang SONA.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Sigurado po ako na magka­karoon ng diskurso iyan tungkol sa federalism at iyong hinihingi niyang transitory provision sa Kongreso. Ito na po iyong pag­kakataon niya na kausapin talaga iyong Kongreso para tumulong para sa charter change papun­tang pederalismo,” paliwanag ni Roque sa isang panayam sa radyo, nitong Huwebes.

“I’m sure po magiging mala­kas ang apela ng ating Pangulo para diyan sa Charter change na iyan,” dadag pa niya.

Aniya, nais ng Pangulo na ibigay ang “big picture” hinggil sa kasalukuyang kondisyon ng bansa at kung ano ang nakikita niyang kahihinatnan nito sa pag­tatapos ng kanyang termino.

“Siguro ito na iyong talagang honest assessment ni Pangulo, kung ano talaga ang nagawa niya bukod pa doon sa facts and figures na dapat naman i-report ng mga Gabinete, saka iyong mga saloobin na niya,” ani Roque.

Ibinahagi naman ni Roque na apat na buwan na nilang pinagha­handaan ang SONA ng Pangulo, na inumpisahan sa pangangalap ng mga ulat sa natapos at nakamit ng administrasyon mula sa mga miyembro ng gabinete.

-Genalyn D. Kabiling