Umaasa si Senador Leila de Lima na papayagan ng Philip­pine National Police (PNP) na magkaroon ng pagdinig ang kanyang mga komite kahit siya ay nakakulong.

Hindi kasi pumayag si PNP Director Oscar Albayalde sa kahi­lingan ni Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng hearing ang mga naturang komite.

Nakakulong si De Lima sa PNP Custodial Center, sa Camp Crame habang dinidinig ang mga kasong may kinalaman sa pagkalat ng bawal na droga sa New Bilibid Prison.

Aniya, mukhang mali ang naging payo kay Albayalde dahil ang hiling ni Sotto ay magkaroon ng pagdinig sa loob ng custodial center at hindi nito hiniling na pansamantalang palabasin sa Crame ang senadora.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Let it be stressed that Senate President Sotto, in his letter-request, is not asking that I be allowed to leave Camp Crame and attend hearings or sessions in the Senate premises. The request is simply to allow me to conduct committee hearings within Camp Crame,” ani De Lima.

Ang tinutukoy, aniya, ni Al­bayalde ay ang kaso ni Sen. Antonio Trillanes na hindi rin pinayagang lumabas ng Crame nang siya’y nakakulong pa.

Iginiit ni De Lima, sa kaso ni Trillanes, na nagkaroon ng mga hearing ang kanyang komite ha­bang siya ay nakakulong.

“I fully appreciate SP Sotto’s commitment that he is reviewing his options on how to go about the issues. I have every faith that SP Sotto and PDG Albayalde can come to an acceptable resolution on this matter,” sabi ni De Lima.

-Leonel M. Abasola